Archive

Archive for December, 2008

Cheesy Lines

December 5, 2008 5 comments

Eto nga pala yung mga Cheesy Lines na nakolekta ko. Maganda silang
gawing mga pambanat, ice-breaker, txt quotes o di-kaya’y ear candy.

Cheesy Lines:

“Huwag mong ipikit ang mga mata mo, baka kasi hindi mo makitang mahal kita”

♥ ♥ ♥
♥ ♥

“Alzymer’s disease ka ba? Lahat kasi nakakalimutan ko dahil sa iyo”
♥ ♥ ♥
♥ ♥

“Pwede ba tayong magpapicture? Para madevelop tayo”
♥ ♥ ♥
♥ ♥

♥ ♥ ♥
♥ ♥


“Mag-impake ka na, pupunta tayo sa home for the Aged… coz I
wanna grow old with you.”


♥ ♥ ♥
♥ ♥

“Pwede bang ikaw nalang ang driver ko? … coz your driving me crazy”

♥ ♥ ♥
♥ ♥

“Geometry ba ang favorite subject mo? Kasi kahit anong angle, ang ganda mo eh.”

♥ ♥ ♥
♥ ♥

“May kilala ka bang gumagawa ng sirang relo? Sira ata ang relo ko eh… kasi parang tumitigil ang oras pag kasama kita”

♥ ♥ ♥
♥ ♥

“Science has proven that sugar melts in water. So don’t pls walk in the rain… otherwise I lose such a sweet person like you. “

♥ ♥ ♥
♥ ♥

“Minsan gusto kitang patirin… Para mahulog ka ka na sa akin!”

♥ ♥ ♥
♥ ♥

“Aanhin mo pa ang bahay nyo, kung nakatira ka na sa puso ko.”

♥ ♥ ♥
♥ ♥

“Bakit ka ba nakaabit dyan? Pwede ka naman mahulog sa akin”

♥ ♥ ♥
♥ ♥

“Bastos ka din eh no?   pano naman kasi, basta basta ka nalang pumapasok sa puso ko..

♥ ♥ ♥
♥ ♥

“Tapos na ba ang exam mo? pwede bang ako naman ang sagutin mo?

♥ ♥ ♥
♥ ♥

“Krayola ka ba? Nang makilala kasi kita, naging makulay ang buhay ko…”

♥ ♥ ♥
♥ ♥

“Bola ka ba? Ayaw kasi kitang maagaw ng iba…”

♥ ♥ ♥
♥ ♥

“Kung cactus ka man, hahamakin ko ang lahat mahaplos ka lamang”

♥ ♥ ♥
♥ ♥

Sweet Annecdotes:


GF na selosa: napakadami mong babae! Sabihin mo nga sa akin sino na talaga laman ng puso mo?
BF: Malay ko, sa iyo palagi eh.

♥ ♥ ♥
♥ ♥

Starbucks…

Girl: Excuse me,Bakit ang tabang ng coffee ko?
Barista: Ay… Sorry Miss, kala ko kasi sapat na ang matamis mong labi para sa kape

♥ ♥ ♥
♥ ♥

After an inspection…
Guard: Miss, wag ka munang umalis! Check ko ulet yang gamit mo.. Napasama ata puso ko.


♥ ♥ ♥
♥ ♥


That’s all… wait for more updates! hihi brr…

A Knight’s Wish

December 4, 2008 Leave a comment

Even though we cannot be together,
And hopelessness may seem forever.
If to be her prince would be a never,
As her knight I would be rather.

If the princess would let me do the favor,
To be her Knight in Shining Armor.
Everything would be done in valor,
To protect her would be an honor.

I accept that she’s destined for the prince,
He is much worthy for her since.
All I could say as it seems,
I’m here to bring her sweet dreams


About:

Sa totoo lang, eto lang yung naisulat ko na nakapasok
sa The Chronicler. Bale nareject din yung iba. Pero kahit papaano,
nagkaroon ako ng pagkakataon na makapag express. Bale
nakadedicate ito kay… di bale nalang. haha

Photo Courtesy of The Chronicler

Nang ako’y Sumali sa The Chronicler

December 3, 2008 1 comment

Nang sumali ako sa the
Chronicler, marami na ring naganap na pagbabago sa buhay
estudyante ko. Meron nga ba? At ano ba ang the Chronicler? At anong
ginagawa at nagagawa nito.

Ang the Chronicler ay ang opisyal na publikasyon ng Polytechnic University of the Philippines – Taguig campus. Ang mga nilalaman nito ay tumatalakay sa mga isyu na
pang estudyante, pang komunidad at pati na rin sa bansa. Kasapi ito sa
College Editors Guild of the Philippines (CEGP) at Alyansa ng Kabataang
Mamahayag (AKM-PUP). Layunin ng the Chronicler ay Pen
and
Vigilance: In the defense of the Student’s Rights.
Bale pang
estudyante ang pahayagan ito.

Naalalako nung sumasali pa lamang ako dun (na medyo late na kasi third
year na ako pero mga sumasali ay mga first year), nagtake ako ng test.
Hindi ako magaling na writer pero nagulat na lamang ako nang makapasa
ako dun. Ang exam ay binubuo ng identification na
konti
lang ang nasagutan ko ng tama. Bahagi rin ng exam ay
newswriting na kung saan ay malaki raw ang nakuha kong puntos.

Marami na ring naganap nung nakasali ako dun. Mula
noon, nakakatambay na ako sa office ng The Chronicler kahit na ang
purpose ko lang dun ay gumawa ng assignment, sumulat ng draft ng blog o
paglaruan ang computer. Medyo nakakailang pumasok dun nung una kasi
katabi ito ng CR ng girls. Ung bang, pagpasok mo sa maliit coridor
papunta sa CR ng girls ay madadaanan mo yung pintuan ng The Chronicler.

Marami na ring naging aktibidades ang the Chronicler. Mababasa ninyo sa
isa pang post yung tungkol sa aming pagpunta sa Picketline, isang
karanasang hindi ko makakalimutan sa aking buhay kolehiyo. Nagkaroon na
rin kami ng mga film showing at itong nakaraang November 27,28,29 ay
nagkaroon sila ng program na Anti-passivity week. Kasama ng central
student council (CSC) nagconduct sila ng mga poem writing contest,
poster making contest at marami pang iba.

Narealize ko na hindi pala lahat ng
writer ay masasamang tao. (Teka, ba’t ko
nga pala naisip yun? Writer pa naman ako) Dati kasi, puro nalang
pambabatikos sa pamahalaan
ang pinapublish nila. Pero naisip ko rin naman na tama naman ang mga
ipinaglalaban nila. Tulad na lamang ng misedukasyon, siguro naman na
marami ang hindi papayag sa ideyolohiya ngayon na, “kung kailangan mo
ng mahusay na edukasyon, kailangan mong magbayad ng malaking halaga”,
sa siyang nagpapakita ng commersialismo sa pangkasalukuyang edukasyon
ngayon.Iyan ay iilan lamang sa makikita sa the Chronicler

Siguro ilalagay ko na rin sa Blog ko yung mga ipinaglalaban ng the
Chronicler. Hindi naman sila aktibista. Pero nais lamang nila ihatid
ang mga totoong balita. Sa ngayon, maraming propesor ang nais pumigil
dito pero siguro maskailangan nilang pagtuonan ng pansin ang mga
inererekplamo sa kanila o di kaya’y linawin ang kanilang mga
layunin.

Hindi naman ako aktibo sa organisasyong ito pagkat marami akong
prioridad sa buhay. Pero nais ko rin silang matulungan sa abot aking
makakaya. Natutuwa din ako sa mga bago kong mga nakikilala. Balang
araw, malalaman din ng buong bansa ang kanilang ginagawa para sa
kapakanan ng mga estudyante.